Eto. Kasi ayoko pa magtrabaho. Pero siguro dapat magtrabaho nalang ako. Yun talaga yung mahirap sa internet eh noh? Daming pwedeng gawin pwera sa dapat mong gawin.
Kaya walang internet sa bahay eh. (Sabi ni Paolo kapag lumipat na kami sa sarili naming bahay, kailangan nya daw ng internet. Ako, sa totoo lang, ayoko. Karibal din yan sa atensyon. Mas papayag pa siguro ako sa PS3 --kundi dahil lang sa God of War-- kaysa sa internet.) Kaya sana mapagana ko na ‘tong letseng Sega Genesis emulator ko dito sa kompyu para makapaglaro nako ng Phantasy Star 3 ---- anim na buwan din yun na di ko kailangan makita yung mga punyetang bwiset na nakakapagpabagabag sa isipan. Dahil pakiramdam ko... ang internet... ay para talaga sa mga masusokista. At dahil dito, minsan, iniisip ko, kahit sociology graduate ako, ayoko rin talaga sa ibang tao.
Hay.
Ako rin kasi eh. Ang kulet. Kainis. Pero ansarap nyang batukan. Antanga nya talaga. Pwede ka bang tanga kung hindi mo talaga alam? Pwede ba yun?
.......
Bwiset ‘tong MS Word, kusa nyang inaayos 'tong Tagalog ko, nagkakagulo-gulo tuloy mga sinusulat ko.
No comments:
Post a Comment